Malacañang, naglabas ng Memorandum Circular para sa agarang implementasyon ng anti-money laundering, counter-terrorism financing strategy

Inilabas ng Malacañang ang Memorandum Circular No. 37 para sa mabilisang implementasyon ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy 2023-2027 o NACS.

Pirmado ang memo circular ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nakapaloob sa memo circular, inaatasan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan Kasama ang mga GOCC na bumalangkas at magpatupad ng plano at mga programa sa ilalim ng NACS 2023-2027.


Batay pa sa memo circular ay inaatasan ang Anti- Money Laundering Council na magsumite sa Office of the Executive Secretary ng comprehensive report kaugnay sa status ng pagpapatupad ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy.

Saklaw ng Memorandum Circular No. 37 ang lahat ng concerned departments, agencies, bureaus, at national government kasama na ang GOCC at Local Government Units.

Sa ilalim din ng inisyung kautusan ay inaatasan ang lahat ng agency heads na magsagawa ng pagrerepaso at pagtaya sa
deliverables na nasa ilalim ng International Co-operation Review Group Action Plan.

Facebook Comments