Malacañang, naglabas ng panuntunan sa mga naantalang pleadings na nakabinbin sa Office of the President sa gitna ng umiiral na ECQ

Naglabas ng guidelines ang Malacañang para sa lahat ng naantalang apela, pagri-review ng mga petisyon at pagsasampa ng mga administrative disciplinary cases sa Office of the President laban sa mga opisyal ng pamahalaan at Local Government Units (LGUs) sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Sa ilalim ng Administrative Order no. 29, nakasaad na dahil hindi kabilang sa mga exempted sa ECQ ang mga abogado, law firms at postal services, ang filing of administratives cases, appeals, petition for review, motions, notices, at iba pang pleading sa Office of the President ay kasalukuyang suspendido muna.

Ang mga proceedings na nakatakda sana ngayong panahon na umiiral ang ECQ ay kanselado na rin at ire-reschedule na lamang sa oras na alisin na ng Inter-Agency Task Force (IATF) o ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ECQ.


Nakasaad naman sa kautusan na exempted sa suspensyon ang mga urgent cases na magbibigay kakayahan sa pamahalaan na mabilis na makatugon sa mga usaping mayroong kinalaman sa kasalukuyang public health emergency.

Nilagdaan ng Pangulo ang naturang kautusan ika-7 ngayong Abril. At magiging epektibo matapos mailathala sa Official Gazette o mga pahayagan.

Facebook Comments