Malacañang, nagpaabot ng pakikiisa sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte

Nagpaabot ng pakikiisa ang Palasyo ng Malacañang sa sambayanang Pilipinong nananabik na masaksihan ang seremonya ng inagurasyon ni incoming Vice President-elect Sara Duterte-Carpio ngayong araw.

Sa mensaheng inilabas ng Malacañang sa pamamagitan ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, muli nitong pinasalamatan ang mga Pilipino para sa tiwala at suportang ibinigay ng mga ito para sa susunod na pangalawang pangulo ng bansa.

Kasabay nito, nanawagan siya sa publiko na suportahan si VP-elect Sara at ang iba pang mga bagong lider ng bansa sa pagtupad sa kanilang mga responsibilidad at sa mandating maghatad ng tunay na pagbabago sa bansa.


“As we previously articulated, let us stand behind Vice President-elect Duterte-Carpio and all other newly elected leaders as they embark on the responsibilities and challenges of their offices and fulfill their mandate of delivering genuine change to our beloved country,” ani Andanar.

Si Duterte-Carpio ang ika-15 pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Facebook Comments