Malacañang – nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng ina ni VP Leni Robredo

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang kasunod ng pagpanaw ng ina ni Vice President Leni Robredo.

Sabado ng gabi nang sumakabilang buhay ang ina ng Bise Presidente na si Salvacion Gerona.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – kilala bilang ‘selfless’ at ‘dedicated’ na guro si Ginang Gerona na humubog sa napakaraming murang kaisipan ng mga kabataan sa iba’t ibang henerasyon.


Si Ginang Gerona ay nagturo sa Universidad de Sta. Isabel sa Naga, isa sa pinakamatandang paaralan sa Pilipinas.

Samantala, ibuburol ang kanyang mga labi sa Naga City mamayang alas 4:00 ng hapon.

Maliban dito, wala pang ibinibigay na ibang detalye ang pamilya ni Robredo.

Facebook Comments