Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya ng negosyanteng si John Gokongwei Jr.
Sa isang statement, kinilala ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si Gokongwei bilang isa sa mga leading Taipans at haligi ng ekonomiya ng Pilipinas.
Inihalimbawa ni Panelo ang itinayong cornstarch plant ni Gokongwei noong 1957 na naging isa sa mga leading pillars sa industriya ng pagnenegosyo.
Aniya, karapat-dapat tularan ng kasalukuyan at susunod pang mga henerasyon ang iniwang legacy ni Gokongwei sa bansa.
Samantala, nagpaabot na rin ng pakikiramay si Vice President Leni Robredo, mga mambabatas at miyembro ng business community.
Si Gokongwei na ikatlo sa pinakamayaman sa bansa ay pumanaw kagabi sa edad na 93.
Facebook Comments