Malacañang, nagpaalala sa diagnostic at testing laboratory hinggil sa discount ng mga senior citizen

Pinaalalahanan ng Malacañan ang mga diagnostic at testing laboratory na sundin ang batas na nagbibigay diskuwento sa lahat ng senior citizen.

Ito’y kasunod ng reklamo ng mga senior citizen na hindi sila binibigyan ng diskuwento ng ilang diagnostic laboratory kapag sumasailalim sa RT-PCR test lalo na sa nagsasagawa nito sa mga airport.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat sundin kung ano ang nasa batas kaugnay sa mga pribilehiyong ibinibigay sa mga nakatatanda kung saan nasasaad ito sa batas.


Ang lahat ng senior citizen ay mayroong pribilehiyo na 20% discount sa lahat ng goods at services base sa nakasaad sa Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010,

Hinggil naman sa magkakaibang singil sa presyo ng swab test, sinabi ni Roque na pareho lang ito sa Philippine Red Cross sa kanilang swab test pero wala naman daw itinatakda ang Inter-Agency Task Force na presyo.

Facebook Comments