
Nagpaliwanag ang Malacañang kung bakit hindi nakadalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsalubong sa higit 300 Pilipinong repatriates mula Middle East.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dumalo ang pangulo sa Economy and Development Council meeting kung saan tinalakay ang mga programa sa edukasyon, imprastraktura, at rehabilitasyon ng Marawi.
Sinabi rin ni Castro na iniutos ng pangulo na sa Maharlika, Villamor Air Base ilapag ang eroplano para mas mabilis ang proseso sa immigration at agad makalabas ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) upang masundo ng kanilang pamilya.
Layunin aniya nito na mabawasan ang pagod at hirap na naranasan ng mga umuwing Pilipino.
Pagdating sa bansa, agad na nakatanggap ang mga repatriates ng tulong mula sa pamahalaan tulad ng pinansyal na ayuda, serbisyong medikal, at psychosocial support.










