
Nagpaliwanag ang Malacañang kung bakit hindi personal na sinasalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na dumarating mula sa Middle East.
Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro, nakaatas sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pag-asikaso at pagtulong sa mga dumarating na OFW.
Habang ginagawa ito ng mga ahensya, abala naman ang pangulo sa pag-aayos ng mga karagdagang programa at tulong para sa mga kababayan upang mabawasan ang epekto sa bansa ng mga nangyayari sa Middle East.
Batay sa datos ng DMW, umabot na sa higit 1,000 OFW at kanilang dependents ang natulungan at ligtas na nakabalik sa Pilipinas mula sa Middle East.
Prayoridad din ng pamahalaan na maiuwi ang mga OFW na nasa high-risk areas, may sakit, o may iba pang humanitarian concerns habang inaayos ang kanilang ligtas na pagbabalik sa bansa.










