Malacañang – nagtalaga na ng acting Secretary ng Dept. of Foreign Affairs kasunod ng pagbasura ng C-A sa appointment ni DFA Sec. Perfecto Yasay

40
Manila, Philippines – Nagtalaga na ang Malakanyang ng pansamantalang papalit sa pwesto ni DFA Sec. Perfecto Yasay matapos ibasura ng Commission on Appointments ang kumpirmasyon nito.
 
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Foreign Affairs Undersecretary Enrique Manalo bilang acting Secretary ng DFA.
 
Si Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang nag-anunsyo ng appointment ni Manalo.
 
Ayon kay Abella – mananatili bilang acting Secretary si Manalo hangga’t walang itinatalaga si Duterte na kapalit ni Yasay.
 
Una nang ikinalungkot ng Malacañang ang pagbasura sa appointment ni Yasay.
 
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo – karapat-dapat si Yasay sa pwesto pero aminado ito na wala nang magagawa para mabawi ang desisyon ng CA.
 
Tags:RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments