May bagong governor na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa katauhan ni Eli Remolona.
Ito ang inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO).
Sa ulat ng PCO, nagdesisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na italaga si Remolona sa posisyon dahil sa malawak na karanasan nito sa central banking, economic policy, international finance at financial markets.
Naniniwala ang pangulo na malaki ang maitutulong ng mga karanasan at achievements na ito ni Remolona para sa kaniyang bagong posisyon.
In-appoint si Remolona dahil sa nakatakdang pagtatapos ng six-year term ng kasalukuyang BSP governor na si Governor Felipe Medalla na magtatapos sa July 2.
Facebook Comments