Malacanang, nakaantabay na sa pagbalik ni Shiela Guo at Cassandra Ong sa bansa

Tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa Indonesian government at iba pang ahensya hanggang sa makabalik sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong sa bansa.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umaasa siyang mapapauwi ng bansa ang dalawa bago matapos ang araw.

Sa unang direktiba ng pangulo, kailangang mapabalik sa bansa sa lalong madaling panahon si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa nitong mga kasabwat.


Samantala, sinabi naman ni Executive Sec. Lucas Bersamin na ipinauubaya na niya sa Presidential Anti-Organize Crime Commission (PAOCC) at Department of Justice (DOJ) ang pagkokomento hinggil sa isyu para sa unified o nagkakaisang pahayag.

Facebook Comments