Malacañang, nakabantay sa galaw ng Bagyong Betty para matiyak ang kaligtasan ng mga masasalanta ng bagyo

Screengrab from windy.com

Nakatutok pa rin ang Palasyo ng Malacañang sa galaw ng Bagyong Betty.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), nagpapatuloy ang pagbabantay ng gobyerno upang matiyak ang kapakanan ng lahat sa panahon ng kalamidad.

Sinuguro ng PCO ang mga nakahandang gamit at iba pang kakailanganin ng bawat lugar sa harap sa banta ng bagyo.


Ito ay batay sa summary of anticipated needs ng bawat rehiyon mula sa Office of Civil Defense (OCD).

Sa Batanes, mayroong standby communications team at anim na units ng water filtration system para sa anim na munisipalidad.

Sa Region 3 o Central Luzon, posibleng kailanganin daw ang contruction materials para sa pagkukumpuni ng mga bahay at bubong.

Una nang nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa OCD at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magsagawa nang mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para tiyaking nakahanda ang lahat ng resources na kakailanganin sa mga lugar na maaapektuhan ng Bagyong Betty.

Facebook Comments