Nakikiisa ang Palasyo ng Malacañang sa global community sa pagdiriwang ng World Autism Awareness Day ngayong araw.
Batay sa Center for Disease Control and Prevention, ang autism spectrum disorder (ASD) ay isang neurodevelopmental disorder na nakakaapekto sa behavior, communication skills, at social skills ng isang tao.
Sa datos ng Autism Society Philippines lagpas isang milyong Pilipino ang may Autism Spectrum, kung saan isa sa bawat 100 Pilipino ang may autism.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sana’y kilalanin ng publiko ang kontribusyon ng mga Pilipinong may autism.
Hinimok din ng Palasyo ang lahat na itaguyod ang nararapat na suporta para sa mga may autism at sa kanilang mga pamilya.
Facebook Comments