Malacañang, nakikiisa sa pagdiriwang ng “World No Tobacco Day”

Nakikiisa ang Palasyo ng Malacañang sa pagdiriwang ng “World No Tobacco Day” ngayong araw.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakasasama ang tabako hindi lamang sa ating katawan, kundi pati na rin sa mga nakalalanghap ng usok mula rito o ang second hand smoke.

Hinimok din ng PCO ang mga Pilipino na pangalagaan ang kanilang mga kalusugan at hikayatin ang kanilang mga mahal sa buhay na ingatan ang pangangatawan.


Ipinagdiriwang tuwing ika-31 ng Mayo ang ‘World No Tobacco Day’ na layong  hikayatin ang publiko na umiwas sa pagkonsumo ng mga produktong tabako sa loob ng 24 na oras.

Layon din ng selebrasyong ito na magkaroon ng kamalayan tungkol sa masasamang impluwensya ng paggamit ng tabako lalo na sa mga kabataan.

Facebook Comments