Nakipagtulungan ang Presidential Communications Office (PCO) sa social media giant companies na Meta, Google at TikTok para labanan ang maling impormasyon.
Ayon kay PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao, importanteng matuldukan na ang pagkalat ng maling impormasyon sa internet, partikular ang mga paninira laban sa gobyerno.
Sa ginanap na ” Tech Talks” sa UniComm 2024, tinalakay ng PCO at mga stakeholders ang pangangailangang magkaisa para malabanan ang digital misinformation.
Inilatag din ng tatlong kumpanya ang kanilang mga pananaw at expertise sa iba’t ibang aspeto kung paano malabanan ang mga maling content.
Kasunod nito, umaasa naman si Ridao na sa pamamagitan ng naturang partnership ay matuldukan na ang problema sa fake news at mga paninira sa gobyerno.