Malacañang, nakiusap sa publiko na itapon sa wastong pamamaraan ang kanilang face masks at face shields

Nagpaalala ang Malacañang sa publiko na itapon ng maayos ang kanilang ginamit na face masks at face shields kasabay ng pagdiriwang ng buong mundo sa Earth Day.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may mga paraan pa rin ang mga tao na protektahan ang kapaligiran sa harap ng pandemya.

Sa maliit na paraan, malaki ang maitutulong ng proper disposal ng face masks at face shields.


Importante rin aniyang ituro na sa mga bata na pangangalaga sa kalikasan.

Ang Earth Day ay paalala sa lahat na dapat alagaan ang ating kalikasan.

Facebook Comments