Malacañang nananatiling blangko sa pagkakahuli sa nagupload ng bikoy videos

Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na wala pang nakararating sa kanilang impormasyon sa napaupat na pagkakaaresto ng National Bureau of Investigation o NBI sa taong nag-upload ng video ng Bikoy Video na nagviral sa social media.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa ngayon ay wala pa siyang alam na detalye sa pagkakaaresto sa nasabing personalidad pero nabasa naman aniya niya ang usapin sa mga lumabas na balita.

 

Sinabi ni Panelo na mas magandang hintayin nalang nila ang magiging report ng NBI na siyang ibibigay din sa Malacanang.


 

Hindi din naman masabi ni Panelo kung ano ang posibleng papel ni Bikoy sa lumabas na ouster plot matrix na una nang isiniwalat ng Malacanang particular ni Panelo noong nakaraang buwan.

 

Itinanggi naman ngayon ni Panelo na kay Pangulong Rodrigo Duterte galing ang ouster plot matrix na una na nitong sinabi na mula sa Pangulo.

Facebook Comments