Malacañang, nanatiling tahimik sa pagpapalit ng liderato sa Senado

Nanatiling tahimik ang Malacañang hinggil sa dalawang malalaking kaganapan sa Senado ngayong araw.

Ito ang muling pag-upo ni Senator Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate president, at ang pagsiwalat ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Pacifico “Curlee” Discaya ng umano’y malawakang suhulan sa mga flood control projects.

Sa kabila ng bigat ng mga pangyayari, walang inilalabas na pahayag ang Palasyo kung may basbas ba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabago sa liderato ng Senado o kung ito ba’y tugma sa direksyon ng administrasyon

Matatandaang noong 2022 Presidential elections, si Sotto ay tumakbo bilang Bise Presidente ni Sen. Ping Lacson na kalaban ng BBM-Sara o UniTeam.

Pero nitong 2025 midterm elections, isa si Sotto sa naging pambato ni Pangulong Marcos sa pagka-senador sa ilalim ng Alyansa ng Bagong Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay nasa Cambodia si Pangulong Marcos para sa kaniyang tatlong araw na state visit at inaasahang babalik ng bansa sa Miyerkules.

Facebook Comments