Malacañang, nanawagan sa grupong Manibela na makipag-usap muna sa pamahalaan kaugnay sa isinasagawang tigil-pasada

Umaapela ang Malacañang sa grupong Manibela na makipag-usap muna sa pamahalaan para hindi madamay ang mga commuter sa tigil-pasada.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi lamang ang pamahalaan ang apektado ng tigil-pasada kundi ang mga commuter.

Bukas naman aniya ang bagong liderato ng Deparment of Transportation (DOTr) sa hinaing ng mga jeepney driver at operator.


Samantala, bagama’t hindi pa gaanong apektado ng tigil-pasada ang mga commuters, sinabi ni Castro na nakahanda ang gobyerno na tumulong sa posibleng maging impact nito sa commuters.

Pag-aaralan din ng Malacañang ang datos na 43% pa lamang ang magpapa-consolidate ng kanilang prangkisa sa ilalim ng PUV Modernization.

Titiyakin aniya ng administrasyon na lahat ng mangyayari ay papabor sa commuters at jeepney operators at drivers.

Facebook Comments