Malacañang, nanawagan sa publiko na huwag mag-panic buying

Nanawagan ang malacañang sa publiko na magpanic buying kasunod ng pagdedeklara ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus bubble.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili namang bukas ang mga establisyimento kagaya ng supermarkets at mga palengke.

Wala aniyang dahilan para mag-panic buying dahil sapat ang supply ng essential goods sa mga pamilihan sa loob ng isang linggo.


Sa ilalim ng ECQ, tanging ang mga nagtitinda ng essential goods lamang ang nakabukas habang papayagan pa rin ang mga restaurant na mag-operate pero para lamang sa take out at delivery.

Facebook Comments