Malacañang, nanawagan sa publiko na huwag mapagod sa pagsunod sa health protocols

Umapela ang Malacañang sa publiko na huwag mapagod sa pagsunod sa health protocols lalo na at tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Muling hinikayat ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang publiko na manatiling magsuot ng face mask at magkaroon ng physical distancing lalo na at dumating na ang inisyal na batch ng bakuna.

Dapat aniya higpitan pa ng Local Government Units (LGUs) ang pagpapatupad ng health protocols.


Naiintindihan ni Roque na halos isang taon nagtiis ang lahat na sundin ang minimum health standards pero para din ito sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments