Hindi hahayaang maulit pa ng pamahalaan ang kapalpakan ng dating administrasyon sa pagtugon sa Supertyphoon Yolanda sa pagtugon naman ngayong COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang malaking “delubyo” ang naging disaster response ng Liberal Party noong hagupit ng Bagyong Yolanda noong 2013.
Hindi na aniya maaaring mangyari ang ganitong pagtugon sa kasalukuyang pandemya.
Iginiit din ni Roque na hindi naging palpak ang gobyerno sa pagpapatupad ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus dahil tumaas ang hospital capacity.
Facebook Comments