May basehan ang kautusan ni Department of Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sa tatlong importers na mag-angkat ng asukal, bago pa man nailabas ang Sugar Order Number 6.
Paliwanag ni Domingo, ang kaniyang hakbang ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siguraduhin ang sapat na suplay ng asukal sa mga palengke para mapababa ang presyo nito at makontrol ang inflation.
Sa press briefing sa Malacañang, ay ipinakita naman ni Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil at ni Panganiban ang kopya ng memorandum na may petsang January 13, 2023 at pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Nakasaad sa memorandum ang pag-aangkat ng 100,000 metriko tonelada ng asukal bilang domestic sugar at 350,0000 metriko tonelada ng reserved sugar.
Nakasaad sa memorandum na inaatasan si Panganiban na ipatupad ang mga rekomendasyon alinsunod sa Republic Act No 10659 o Sugarcane Industry Development Act of 2015.
Sinabi naman ni Undersecretary Atty. Leonardo Roy Cervantes ng Office of the Executive Secretary, wala silang nakikitang iregularidad sa nangyari dahil ang aksyon ni Panganiban ay nakabatay sa direktang utos ni Pangulong Marcos na tiyakin ang sapat na suplay ng asukal.