Tiniyak ng Malacañang na tutugon ito sa utos ng Korte Suprema na magkomento ukol sa petisyong kumukwestyon sa pinasok na Chico River Loan Agreement ng pamahalaan sa China.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sasagutin nila ang petisyon.
Kasabay nito, iginiit ni Panelo na legal at dumaan sa tamang proseso, reviews at evaluation ang nasabing loan agreement.
Nauna nang sinabi ng makabayan bloc na labag sa 1987 constitution ang loan agreement dahil pinapayagan umano nitong gawing kolateral ang patrimonial assets ng bansa.
Maging si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, nababahala na isuko ng Pilipinas ang langis sa manila-claimed reed bank sa South China sea sakaling hindi makabayad ng utang ang Pilipinas sa China.
Sa harap ng mga pangamba, matatandaang ipinag-utos ni pangulong rodrigo duterte ang pag-review sa lahat ng mga kontratang pinasok ng gobyerno.