
Iginiit ng Malacañang na pork-barrel free ang 2026 national budget at hindi papayagang mangialam ang mga pulitiko sa paggamit ng pondo ng gobyerno.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, malinaw sa batas na bawal ang mga mambabatas na makisawsaw sa implementasyon ng badyet, lalo na sa pamamahagi ng ayuda at iba pang tulong-pinansyal.
Sa mga farm-to-market roads, sinabi ni Recto na ang Department of Agriculture (DA) ang nagtakda ng mga proyektong popondohan, hindi ang mga pulitiko.
Nilinaw rin niya na ang Presidential Assistance to Farmers ay kasama na sa panukalang badyet ng Malacañang at layong suportahan ang presyo ng palay para mapababa ang presyo ng bigas.
Hamon ni Recto sa mga nagdududa, hintayin at subukan muna ang 2026 budget bago husgahan, dahil malinaw ang layunin nitong tapusin ang pork at patronage politics.










