Naniniwala ang Malacañang na dapat mabigyan ng flexibility ang China sa pagtanggap ng mga manggagawa para sa konstruksyon ng dalawnag tulay na kanilang pinondohan sa Metro Manila.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos punahin ng mga senador na 31% ng mga manggagawa sa Estrella-Pantaleon Bridge ay Chinese habang 45% naman sa Binondo-Intramuros Bride.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat maunawaan ng publiko na ang mga nasabing infrastructure projects ay 100 porsyentong donasyon ng Chinese government.
“Let me highlight that these bridges are 100-percent donations from the Chinese government. I think that should give us the proper perspective,” ani Roque.
“It’s being given to us 100 percent, we don’t pay back anything for the building of these bridges. That’s why we have to give them some flexibility in the personnel that they hire,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Roque na iba rin ang magiging scenario kung ang Pilipinas ang popondo sa pagtatayo ng dalawang tulay.
“The general rule is foreigners should be hired only when there is not enough Filipinos able and with the capacity to perform the work. But again, of course, please realize that this is 100 percent donation to us by the Chinese government,” sabi ni Roque.
Gayumpaman, nakatakda niyang italakay ang isyung ito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa Department of Labor and Employment (DOLE) para malaman kung maaaring igiit ng pamahalaan sa China na mas maraming Pilipinong manggagawa ang dapat i-hire.