Malacanang naniniwalang hindi issue ng EJK at human rights violation sa pagpasok ng foreign investors

Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na ang makakaapekto sa foreign investment sa Pilipinas ay ang problema sa red tape at hindi ang issue sa human rights violation at Extra Judicial Killing sa bansa.

Ito ang sinanbi ng Malacanang sa harap narin ng komento ng Law Asia na umaatras ang mga foreign investors na pumasok sa bansa dahil sa issue ng EJK at paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, burokrasiya ang problema at hindi nag issue na sinasabi ng Law Asia.


Paliwanag ni Panelo, red tape sa pamahalaan ang talagang dahilan kung bakit magaalangan ang mga investors na maglagak ng negosyo sa bansa.

Ito aniya ang dahilan kung bakit isinabatas ang ease of doing business upang mapadali ang pagpasok ng negosyo sa Pilipians at mapadami ang mga ito.

Binigyang diin pa ni Panelo na hindi naman nababanggit ang issue ng EJKs sa mga pulong kasama ang mga investors.

Sa katunayan aniya, isa ang usapin sa peace and order kaya dumadami ang investors sa Pilipinas dahil alam ng mga namumuhunan na patuloy ang paglaban ng pamahalaan sa iligal na droga, katiwalian at krimenalidad sa bansa.

Facebook Comments