MANILA – Naniniwala ang Malacañang hindi na babalik ng bansa si Sen. Leila De LimaSi De Lima ay umalis kahapon ng bansa makaraang bigyan ng Dept. of Justice ng Allow Departure Order (ADO) na nagpapahintulot sa kanya na makabiyahe sa ibang bansa.Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel SalvadorPanelo– hindi na ito umaasa na babalik ng bansa si De Lima kung saan posible pa aniya ito na humirit ng political asylum sa ibang bansa dahil sa kinakaharap nitong kaso sa Pilipinas.Hindi naman masisi ni Panelo ang DOJ dahil para sa kanya, tama lang ang pagbibigay ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ng ADO.Paliwanag ng opisyal – bagama’t isinailalim sa immigration look out order si De Lima noong Oktubre ay pinayagan din itong makapagbiyahe dahil wala namang pormal na kasong isinampa laban sa kanya.Una nang binalaan ng Volunteers Against Crime and Corruption ang Department of Justice at senado matapos na payagan ang biyahe ni Senator Leila De Lima patungong Amerika at Germany.
Malacañang, Naniniwalang Hindi Na Babalik Ng Bansa Si Sen. Leila De Lima
Facebook Comments