Mariing itinanggi ng Malacañang ang mga alegasyong bumili ang pamahalaan ng overpriced Personal Protective Equipment (PPEs) para sa mga frontliners na tumutugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi magsasagawa ang pamahalaan ng imbestigasyon hinggil dito lalo na at wala namang iregularidad sa pagbili sa mga ito.
Sinabi rin ni Roque na inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) para siyasatin ang mag-asawang sinasabing nag-alok ng overpriced medical equipment tulad ng automated extraction machines at test kits sa pamahalaan.
Una nang binigyang diin ng Department of Health (DOH) na ang nabiling PPEs ay kumpleto para matiyak ang kaligtasan ng mga health workers habang inaalagaan ang mga pasyenteng may COVID-19.
Ang PPE sets ay binubuo ng protective suit, military-grade goggles, face mask, shoe at headcovers.