Malacañang, nilinaw na hindi direktang humingi ng sorry si PRRD kay VP Robredo

Binaligtad ng Malacañang ang paghingi ng tawad ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo.

Ito’y kaugnay sa ulat na inimbitahan ng Bise Presidente ang mga miyembro ng United Nations na imbestigahan ang war on drugs, bagay na pinabulaanan ng kampo ni Robredo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, humingi lamang ng tawad ang Pangulo dahil sa paniniwala nito sa Fake News.


Aniya, hindi direktang nagso-sorry ang Pangulo kay Robredo.

Bago ito, nagbanta ang Pangulo na sasampalin ang Foreign Human Rights Advocate na si Phelim Kine sa harap ni Robredo kapag inimbitahan niya ito sa Pilipinas.

Facebook Comments