Nilinaw ng Malacañang na hindi kailangang maging fully vaccinated laban sa COVID-19 ang mga Pilipinong gustong umalis ng bansa.
Ito ang paglilinaw ng Palasyo matapos sabihin ng official Facebook page ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ang mga outbound Filipinos ay kailangang maturukan ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nasabing post ay mali.
Iginiit ni Roque na hindi ito mandatory at sakop lamang nito sa mga gustong maikli ang quarantine pagkadating sa bansa.
Matatandaang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang guidelines sa inbound international travel para sa lahat ng mga indibiduwal na nabakunahan na Pilipinas.
Ang isang fully vaccinated individual ay kailangang magpakita ng vaccination card o certificate sa Bureau of Quarantine (BOQ) para sa re-verification.
Sa ngayon, burado na ang nasabing FB post.