Nilinaw muli ng pamahalaan na may mga variety ng bigas na hindi kasama sa price cap.
Ang pahayag ay ginawa ng Presidential Communications Office (PCO) sa harap ng pagpapatupad ng price ceiling sa bigas sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na epektibo ngayong Martes, September 5.
Paliwanag ng PCO, ang ipinatutupad na regulasyon ay para lamang sa regular at well-milled rice.
Ang mga premium at special na rice variety gaya ng Sinandomeng, Dinorado, Thai Jasmine, Japonica, at iba pa, ay hindi kasama sa papatawan ng price ceiling.
Facebook Comments