Malacañang, nilinaw na kailangan pa ng batas para maging mandatoryo ang COVID-19 vaccine

Nilinaw ng Malacañang na mangangailangan pa ng isang batas o ordinansa para maobliga ang lahat ng mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ito ay matapos batikusin ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapaaresto niya ang mga tumatangging magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, na mayroong jurisprudences sa Pilipinas at sa Amerika na maaaring ipatupad ang compulsory vaccination.


Aniya, walang isinaalang-alang si Pangulong Duterte ngayong panahon ng pandemya kundi ang kaligtasan ng lahat ng Pilipino laban sa COVID-19.

Facebook Comments