Pagdedesisyunan pa lamang ng pamahalaan kung babawiin na ang inbound travel restrictions sa mga dayuhan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kung maaari na bang papasukin sa bansa ang mga dayuhan.
Idinagdag pa ni Roque, ang pagpapahintulot sa pagpasok ng mga dayuhan ay posibleng makaapekto sa mga kawani ng gobyerno na inaasikaso ang COVID-19 test ng libo-libong returning OFWs.
Sa ngayon, tanging mga Pilipino, kanilang asawa at anak, accredited foreign government at international organization officials, maging ang mga foreign airline crew ang pinapayagang makapasok sa bansa.
Facebook Comments