Malacañang, nilinaw na wala pang nabakunahan sa Office of the President laban sa COVID-19

36

Mariing pinabulaanan ng Malacañang ang mga ulat na may ilang empleyado ng Office of the President (OP) ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Ang mga government frontliners ay kabilang sa A4 priority group ng National Immunization program.


Ayon kay President Spokesperson Harry Roque, naghihintay pa rin ang mga government frontliners ng kanilang pagkakataon sa vaccination program.

Maging ang kanyang opisina ay nag-iingat dahil wala pa sa kanila ang nabakunahan.

Bukod dito, itinanggi rin ni Roque na may miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang namatay sa COVID-19.

Facebook Comments