Malacañang, nilinaw na walang bayad ang pagkuha ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ID

Binigyang-diin ng Presidential Communications Office na libre at walang hinihinging halaga sa pagkuha ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ID.

Nilinaw ng Presidential Communications Office (PCO) na libre o walang bayad ang pagkuha ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ID.

Ito’y kasunod ng mga ulat na may mga naniningil umano kapalit ng bagong ID.


Ayon sa PCO, wala ring anumang bayad o Entrance fee sa mga lugar na pinagdarausan ng caravan ng pamahalaan dahil ang ipinagkakaloob dito ay tulong para sa publiko.

Ang mga ipinamamahaging ayuda ng pamahalaan ay dumaraan sa validation ng bawat tanggapan ng gobyerno at kailanman ay hindi maniningil mula sa taong-bayan.

Dahil dito, pinayuhan ng PCO ang publiko na maging mapagmatyag at alisto kung makaranas ng mga indibidwal na sangkot sa ganitong modus.

Facebook Comments