Malacañang, nilinaw na walang ilulunsad na paayuda sa “NCR plus”

Wala ng ayuda o tulong pinansiyal na ibibigay ang Malacañang sa mga lugar na isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) bubble mula Marso 22 hanggang Abril 4.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bukas naman kasi ang karamihan sa mga negosyo sa mga lugar na nasa GCQ at hindi naman pinagbawal ang pagpasok sa trabaho.

Bamaga’t may ilang negosyo ang nagsuspinde ng operasyon, may alok naman aniyang pautang at emergency employment ang gobyerno.


Habang ang mga Local Government Unit (LGU) na nagpapatupad ng localized at granular ay namimigay naman ng ayuda sa mga apektadong residente.

“In terms of iyong sinasabi mong ayuda na gaya ng binigay natin sa ECQ, dahil hindi naman po natin pinipigil magtrabaho ang ating mga kababayan eh hindi na po tayo dapat magbigay ng ganoong ayuda dahil puwede pong maghanapbuhay ang lahat. Pero I understand iyong mga local governments po, iyong mga subject to localized and granular, nagbibigay po rin sila ng ayuda,” ani Roque.

Matatandaang inilagay ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna sa GCQ bubble kung saan bawal ang mga non-essential travel.

Facebook Comments