Ikinalungkot ng Malacañang ang kautusan ng Malaysia na huwag papasukin ang mga Pilipino sa kanilang bansa.
Nabatid na naghipit ang Malaysia sa pagpapapasok ng mga dayuhan sa kanilang bansa partikular ang mga Indian, Indonesian at mga Pilipino na mayroong long-term passes, students, expatriates at permanent residents maging ang mga family members ng mga Malaysian.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iginagalang pa rin nila ang desisyon ng isang sovereign nation.
Una nang sinabi ni Malaysian Prime Minister Muhyiddin Yassin na ang hakbang na ito ay layong paigtingin ang kanilang mga preventive measures laban sa COVID-19 pandemic hanggang sa katapusan ng taon.
Facebook Comments