Tumanggi ang Malacañang na magkomento sa kung sino ang mga pambato ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa Senado sa 2022 elections.
Matatandaang lumabas sa isang online news site na may ilang miyembro ng gabinete ang tatakbo sa nalalapit na halalan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakop ito ng executive privilege kaya hindi siya maaaring magsalita hinggil dito.
“Alam niyo po kasi ang aming mga pagmi-meeting ay covered din by executive privilege. I think yung mga bagay na ‘yan po, dahil hindi naman po kasama sa agenda, will remain to be confidential. So I cannot comment on that,” dagdag ni Roque.
Batay sa ulat ng Politiko, ang senatorial bets ni Pangulong Duterte ay limang department secretaries, tatlong Palace officials at isa sa kinatawan ng government task force against COVID-19 pandemic.