Malacañang: Operasyon ng power generation plants sa Albay, nananatiling normal

Kasalukuyang normal ang operasyon ng mga power generation plant sa Albay.

Ito ay batay sa nakuhang impormasyon ng Presidential Commuications Office (PCO) mula sa Department of Energy (DOE) sa harap na rin ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa ulat pa ng PCO, ang mga power plant na ito na malapit sa Mt. Mayon ay ang 234 megawatt Tiwi Geothermal Power Plant at 140 megawatt Bac-man Geothermal Power Plant.


Normal din ang operasyon ng Albay Electric Cooperative o ALECO dahil dito, walang naitatalang brownout sa mga evacuation center sa Albay kung saan nanatili ang mga lumikas na residente dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Kaugnay nito ay inihayag din ng PCO, na magkakaroon ng price freeze sa loob ng 15 na araw ng pagkakadeklara ng state of calamity sa Albay.

Ibig sabihin, maliban sa rollback ay bawal din magtaas ng presyo ng langis at kuryente mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 23.

Facebook Comments