Monday, January 26, 2026

Malacañang, pina-iimbestigahan ang lahat ng anggulo sa paglubog ng Ro-Ro vessel sa Basilan

Pinasisilip ng Malacañang ang iba pang posibleng sanhi ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3, isang Ro-Ro passenger vessel, sa karagatang sakop ng Basilan.

Ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro na mahalagang matukoy kung may mga pagkukulang o paglabag, kabilang ang posibilidad ng overloading, na maaaring nag-ambag sa paglubog ng barko.

Nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) upang alamin ang tunay na sanhi ng insidente, at kung may iba pang nilabag na batas ang passenger vessel.

Tiniyak ng Palasyo na mananagot ang sinumang mapatutunayang may kasalanan, habang patuloy namang tinututukan ng pamahalaan ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng insidente.

Kasabay nito, inatasan din ng pangulo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyaking may agarang tulong na matatanggap ang mga biktima at pamilyang naapektuhan ng trahedya.

Facebook Comments