Pinayuhan ng Malacañang ang publiko na mag-ingat sa mga taong nais isabotahe ang Duterte administration lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos punahin ang Manila Bay white sand project na sinasabing nagdulot ng fish kill sa lugar.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, masyado pang maagang sabihin na isa itong sabotahe.
Pagtataka ni Roque na kung paano nagkaroon freshwater fish sa saltwater gaya ng Manila Bay.
Gayunpaman, nagpapasalamat ang Palasyo sa publiko sa patuloy na pagsuporta sa administrasyon sa kabila ng mga kritisismong ipinupukol ngayong panahon ng pandemya.
Una nang sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda na maaaring sabotahe o illegal fishing ang nangyaring fish kill sa Manila Bay.
Pero sinabi naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang fish kill ay resulta ng mababang lebel ng oxygen sa dagat.