Malacañang, pinag-iingat ang publiko sa mga fake news tungkol sa walking pneumonia

Courtesy: Maging Mapanuri Facebook page

Payo ng Malacañang sa publiko na maging mapanuri sa mga balita na kumakalat ngayon sa China patungkol sa walking pneumonia.

Ito ay matapos lumabas ang ulat sa isang online news na umano’y hindi isinalaysay nang buo ng Department of Health (DOH) ang konteksto sa apat na naitalang kaso ng mycoplasma pneumonia sa bansa.

Matatandang nilinaw ng DOH na hindi bago ang mga kaso na naitala mula noong Enero hanggang Setyembre 2023 dahil lahat aniya ng tinamaan ay gumaling na.


Kaugnay nito, hinikayat ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga Pilipino na ugaliing bisitahin ang official pages ng mga government agency para sa mga berepikadong impormasyon.

Paalala rin ng Palasyo na mayroong gamot para sa mycoplasma pneumonia at madaling maiiwasan ang hawaan nito sa pamamagitan ng standard health protocols.

Facebook Comments