Malacañang, pinamamadali sa Kongreso ang pagpasa ng Anti-Endo Bill

Kinalampag ng Malakanyang ang Kongreso na agad na ipasa na ang anti-endo bill na magtutuldok sa end of contract ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Kasunod ito ng panawagan ang iba’t ibang labor group sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin ng batas laban sa kontraktuwalisasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy silang umaapela sa mga mambabatas na ipasa na ang anti-endo bill lalo pa’t malapit ng matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Kahit panay aniya ang pangangalampag at pagsertipikang urgent na maipasa ang panukalang ito laban sa kontraktuwalisasyon kung hindi naman inaaksyunan ng Kongreso ay wala ring magiging saysay ito.

“When I last talked to Secretary Bello and that this was, I think, last week in Cagayan, he reiterated that the anti-endo bill continues to be an administration bill and it has also been certified as urgent by the President. But we leave it to Congress because, unfortunately, no amount of certification can lead to an enactment of the law if the wisdom of Congress is otherwise. But we continue to appeal to Congress to pass this anti-endo law as the term of the President ends,” ani Roque.

Matatandaang sinertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent bill ang anti-endo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuusad sa Kongreso.

Facebook Comments