Malacañang, pinulong ang mga gabinete para sa 2026 budget

Pinulong ni Executive Secretary Ralph G. Recto ang mga pangunahing kalihim ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Recto, ito ay upang tiyakin na ang 2026 National Budget ay malinaw na tutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan at sa mga prayoridad ng administrasyon.

Sa pulong, iginiit din na ang pondo ng gobyerno ay ilalaan sa mga programang may direktang pakinabang sa publiko, tulad ng pagkain at agrikultura, kalusugan, edukasyon, transportasyon, tulong-panlipunan, at imprastraktura.

Layunin ng administrasyon na masigurong bawat pisong gagastusin ay may malinaw na resulta at pananagutan.

Present sa Cabinet meeting sina Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., DPWH Secretary Vince B. Dizon, Health Secretary Teodoro J. Herbosa, DSWD Secretary Rex T. Gatchalian, Transportation Secretary Giovanni Z. Lopez, DBM Secretary Rolando U. Toledo, Education Secretary Juan Edgardo Angara, PMS Secretary Elaine T. Masukat, at Finance Undersecretary Karlo Fermin Adriano.

Facebook Comments