Nagpaabot ng pagbati Presidential Spokesperson Harry Roque dahil nagagawa na ng Pilipinas na gumawa ng sarili nitong protective equipment laban sa COVID-19.
Ipinagmalaki ni Roque ang mga lokal na kompanya na nagpo-produce ng face masks at Personal Protective Equipment (PPE) sets.
Kabilang sa mga iprinisenta ni Roque ay surgical masks, N88 masks, 3-ply face masks at PPEs na gawang Pinoy.
Ayon pa kay Roque, isang grupo ng local manufacturers ang nag-invest ng nasa $35 million o ₱1.7 billion para sa paggawa ng medical grade PPEs at face masks.
Ang inisyatibo ng Confederation of Philippine Manufacturers sa PPEs ay nakapaglikha ng trabaho para sa 7,450 workers.
Nakagawa ang grupo ng 57.6 million masks at 3 million na piraso ng coveralls at isolation gowns para sa health frontliners.