Malacañang, pinuri ang mga LGU sa mga hakbang nito para magkaroon ng COVID-19 vaccine

Bukas ang Malacañang sa hakbang ng mga Local Government Units (LGUs) na maglaan ng pondo para mabakunahan ang kanilang mga kababayan.

Pero sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang prioritization scheme na itinakda ng pamahalaan ay dapat sundin ng mga LGU.

Aniya, hindi makakukuha ang mga LGU ng bakuna kung walang tulong mula sa national government.


Gayumpaman, ang inisyatibo ng mga LGUs ay makatutulong para mabawasan ang halaga ng perang kailangang utangin ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Roque, dapat sundin ng mga LGU ang priority list ng mga makatatanggap ng bakunang itinakda ng national government.

Sa Metro Manila, ang mga LGU na naglaan na ng pondo para sa COVID-19 vaccine ay ang mga sumusunod:

  1. Caloocan City: P125 million
  2. Makati City: P1 billion
  3. Malabon City: P200 million
  4. Mandaluyong City: P200 million
  5. City of Manila: P250 million
  6. Marikina City: P82.7 million
  7. Muntinlupa City: P170 million
  8. Navotas City: P20 million
  9. Parañaque City: P250 million
  10. Pasay City: P250 million
  11. Pasig City: P300 million
  12. Quezon City: P1 billion
  13. San Juan City: P50 million
  14. Taguig City: P1 billion
  15. Valenzuela City: P150 million
Facebook Comments