Malacañang, pinuri ang naging papel ni Fajardo sa ICI

Kinilala ng Malacañang ang mahalagang papel na ginampanan ni Commissioner Rosanna Fajardo sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng pagbibitiw ni Fajardo na magiging epektibo sa Disyembre 31.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, natupad na ni Fajardo ang kaniyang mandato bilang ICI Commissioner, lalo na sa pangangalap, pag-aaral, at pagsusuri ng mahahalagang ebidensya kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects.

Dagdag ni Castro, malaking ambag ang naging trabaho ni Fajardo sa pagpapanagot sa mga opisyal at indibidwal na sangkot sa katiwalian.

Tiniyak din ng Malacañang na magpapatuloy ang imbestigasyon ng ICI kasama ang iba pang investigating bodies, sa kabila ng pagbibitiw ng komisyoner.

Binigyang-diin ni Castro na hindi pa tapos ang laban ng administrasyon kontra korupsiyon.

Facebook Comments