MANILA – Pumalag ang malakanyang sa pahayag ni Sen. Juan Ponce Enrile na hindi si Dating Pangulong Ferdinand Marcos ang tunay na diktador, kundi si Dating Pangulong Cory Aquino.Sa isinagawang press briefing, sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na si Dating Pangulong Aquino ay nanatili lamang sa puwesto ng isang termino habang si Marcos ay inabot ng ilang dekada sa puwesto.Dagdag pa nito, may ilang tao na pilit na binabago ang kasaysayan sa pagpapalabas ng mga maling impormasyon.Binigyang diin pa ni Lacierda na ang daming naglalabasang biktima ng Martial Law kung saan maging si Presidential Communications Sec. Sonny Coloma ay nasubukan ding makulong ng walang due process noong panahon ng diktadorya. (DZXL 774 // Michelle Bemejo-Abila – Senior News Writer)
Malacañang, Pumalag Sa Alegasyon Na Si Dating Pangulong Cory Aquino Ang Tunay Na Diktador At Hindi Ang Mga Marcos
Facebook Comments