Malacañang, pumalag sa pagkwestiyon ng ilang kongresista sa pagiging malamig ni PBBM sa impeachment ni VP Sara

Ito ang bwelta ng Malacañang sa pahayag ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na posibleng may pinagtatakpang isyu si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaya tutol ito sa impeachment ni Vice President Sara Duterte sa kabila ng suporta ng ilan at kahandaan ng bise presidente na humarap sa paglilitis.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, huwag na sanang tumulad si Manuel sa iba na mahilig mang-intriga dahil wala namang sinabi ang pangulo na tutol siya sa mismong “proseso” ng impeachment.

Giit ni Castro, magkaibang ideya ang pagtutol ng pangulo sa impeachment, sa mismong proseso, lalo’t may hiwalay na kapangyarihan ang Palasyo mula sa Kongreso at kailanman ay hindi makikialam dito ang pangulo.

Hindi lang aniya gugustuhin ng pangulo na lumabag sa batas para diktahan ang Kongreso para kumilos nang naaayon lang sa kanyang desisyon.

Kaya naman panawagan ng Palasyo sa ilang kongresista na huwag intrigahin ang pagiging malamig ni Pangulong Marcos sa impeachment trial ni VP Sara.

Facebook Comments